PEPE 4

..

PEPE 4

 

18+

 

BY: RAZEL22

 

 

3:00 am Gaisano Mall

 

Kalmadong naglakad si James at di pinapansin ang mga matatalim na titig ng mga tao sa kanya. Dahil sa kanyang ginawang paglagay ng harang sa escalator ay maraming taong hindi nakaakyat at naabutan ng mga bangkay na kung saan ay isa isang kinagat ang mga ito at namatay.

 

“Makasarili!”

 

“Sakim! Dapat sana ikaw yung nilapa at namatay eh!”

 

“Darating din ang oras mo at mapaparusahan ka rin!” sari saring boses ang lumaganap sa paligid na nagmumula sa mga nakakita . Di makapanwala ang mga ito sa nagawa ng lalaking naglalakad lang na parang may hinahanap dahil sa isa-isang sinisipat ang mga tao sa paligid.

 

Samantala sa loob ng Cellphone Shop ay naroroon sina Princess kasama ang mga kaibigan nitong si Dina,Joseph at Thalia. Dahil na rin sa sobrang crowded ng lugar ay di na sila nakalabas pa at nanatili na lang sa loob.

 

Tulad ng ibang tao ay nasaksihan din nila ang ginawa ng kakarating  lang na lalaki. Tulad nina Dina,Joseph at Thalia ay hindi rin ang mga ito makapaniwala . Pero nung oras na yun ay nanatiling tahimik ang magandang dalagang si Princess at sinisilip ang lalaki.

 

Dahil na rin sa medyo malayo ito ay hirap siyang kilalanin ang tao lalo na’t nagulo na ang buhok nito dahil sa pagkabasa. Ngunit di nagtagal ay napatakip si Princess sa kanyang bibig at doon niya lang unti-unting nakilala ang lalaki at nagkaroon ng kutob.

 

“J-james ? “ bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng kanyang mga kasamahan. Doon ay agad napabaling a...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow